basta marami pa eh. dapat sinulat ko everytime may naaalala akong moment.
macci and i spent a moment erasing "him" stuffs on our phones. so she erased pao's movie like videos (which reminds me of 40 days and 40 nights movie) and i erased jompy's messages(favorite messages from him), his number (memorize ko naman) and his pics (na nakasave na naman sa laptop). isa lang hindi ko mabura, YUNG "nica" message tone na gawa nya. :((
ANYWAY.
nagtext sya kaninang 2:34am. kakatulog ko lang nun. tapos first time hindi ako nagising. when i woke up around 8, chineck ko phone ko tas nagtext sya ng "gcng ka pa?". nagulat talaga ako kasi matagal na nya kong di tinetext ng ganun. (sa mga nakakaalam, hindi kagandahan yung huling text ko kay jompy, basta.) dinoble check ko pa kung sya ba talaga yun or kung nananaginip lang siguro ako. pero oo, SYA TALAGA.
miss ko na sya. pero kailangan ko tong gawin para sa ikabubuti naming dalawa. para patas lang. para fair.
so, siguro aantayin ko nalang yung text nya uli. na gising ako. (kung magtext man sya) yun naman yun eh. kung gusto nya talaga akong makausap uli. gagawa at gagawa sya ng paraan. dito ko malalaman kung gagawa nga ba sya ng paraan uli.