second attempt ko tong iblog. kasi kanina hindi napost dahil epal ang internet pagkaumuulan. alam kong madami nang nagblog about mackyboy. may kilala nga ako, buong blog nya tungkol kay mackyboy eh.
BAHALA KAYO! BLOG KO TOH! so what kung nauna kayo??
dear mackyboy,
naalala mo ba nung una tayong magkakilala? sa LTS yun, nung 2nd yr. una kitang napansin nung pinasayaw ka sa gitna ng kwarto. nabihag mo ata yung puso ko nun. sino ba namang di nagkacrush sayo nun? TANGA YUNG HINDI!
hahaha! simula nun, mejo nagkakasama na tayo ng slight. tapos nagkakatext. madalas tayong magkatext nun. tapos pumupunta ka pa sa alone time place ko (sa 7thfloor gilid stairs sa tapat ng SC) at magkkwentuhan lang tayo.
tumigil din yung mga panahon na yun kasi laging nananakaw yung cellphone mo.
hanggat isang araw, naging crush ka ni louie. sobrang naging blessing in disguise yun. simula nun madalas na uli kitang makasalamuha. ang cute sobra. naalala mo ba nung magkatext tayo tas iddate mo yung secret admirer mo sa clearance. grabe! tapos eventually, minahal mo din yung secret admirer mo. ang cute sobra! kung pwede lang ikwento yung love story nyo dito ginawa ko na eh. kaso blog ko toh! hindi blog nyo! :)) (sorry, di ko sinasadya.)
pero fine, pampasaya kay luday.
nica: gus2 mo bng madelay para makta pa c luday?
mackyboy: xempre gsto ko!
nica: kmi rin gus2 nmin.. :)
*this shouldn't be our last conversation.
and this shouldn't be our last pic together.naging barkada ka na namin mackyboy. isa ka sa mga guys na pwede kong kunan at bigyan ng infinite hugs forever and ever. i super love you for that. you give love without thinking you need to receive more.
ang bilis ng oras. 8:00pm na ngayon. at hindi mo ko tinext kung delayed or cancelled ang flight mo. nalulungkot ako. nagbboarding na siguro kayo.
but still, im hoping na bukas, makikita mo pa si luday. kahit for a while lang. kahit hindi kami makita mo, basta si luday makita mo, im contented.
see you again in 5 years my "dear". :)
i love you. :)
mamimiss ko toh...
WOW HA!