mahal kong papa,
salamat kasi bibigyan mo ko ng increase sa baon next month. malas lang dahil kaka-july lang so magaantay pa ko ng mga 20 plus days para maincrease ang baon ko. 300 a day na daw ako. so sa malamang, kung magiipon na talaga ako. pwede akong makaipon ng 1000 a week. KUNG MAGIIPON AKO. pero sa malamang, may 500 na kong maiipon.
problema lang, ayaw ata akong bayaran ni papa sa pagpapaprint ko ng menu kahapon. wala daw kasing resibo. so mamumulubi ata ako this week. NANAMAN! pero pipilitin ko parin sya mamaya. TAE!
hindi talaga ako mahilig kumuha ng resibo. hindi ko kasi magets ung point ng resibo dati. ngayon gets ko na.
KUMUKUHA PALA NG RESIBO PARA MASINGIL MO SA MAGULANG MO YUNG NAGASTOS MO.
OO, MALI PARIN YUNG PAGKAGETS KO.
nasabi ko na rin pala yung tungkol sa dslr. YEHEY!! bibilhan na ko ni papa.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA! masyado mo na kong minamahal pabalik.
LABYU!!!!!!!
mahal kita kahit ayaw mong imassage yung leeg ko. :( dibale, may PAU liniment naman daw kami. AMP! WALANG AWWW SA PAU! (mabango sya na ewan.)