para akong bumaba sa karwahe
parang prinsesa na hindi pwedeng
madapuan ng kung anong insekto
nakakagulat
parang hindi makatotohanan
pero siguro nga totoo
gising naman siguro ako
humiga sa kutchon na ubod ng lambot
yakap ang isang kumot
sa malamig na gabi
masarap pumikit
at pakiramdaman lang ang hangin
para lang akong nalulunod
sa isang magandang panaginip
sa isang iglap
naging totoo na
ang mga nasa panaginip
nakakagulat
parang hindi makatotohanan
pero siguro nga totoo
gising naman siguro ako
dumating ang prinsipe
nagpanggap na tulad lang ng iba
pero kahit anong pagpapanggap
lumilitaw parin sya sa karamihan
para lang akong nalulunod
sa isang magandang panaginip
nagising ako
di makahinga
di makasalita
ang magandang panaginip nawala
naging isang bangungot
namumulta