ang bilis ng linggo. PROMISE! parang kelan lang, wala kaming adprac dahil nagtext si mam. parang kelan lang nagtheo kami sa may domus. parang kelan lang nagoil paint kami na ginawa kong fairy.
ang bilis. monday nanaman.
ayoko ata ng mondays or siguro di ko pa naffeel ang monday classes. ayoko din ng tuesday kasi wala naman akong dslr pa. ang init pa sa labas. tas 12 agad uwian. mabuti sana kung aalis ako every after class.
paborito ko yung wednesday kasi parehong may ginagawa sa class tapos major pa tapos hanggang gabi kami.
thursday naman sobrang nakakatamad kasi 4 pa yung class. akala ko nung una mas gugustuhin kong pumasok ng 4. dalawang linggo ko kasing di nafeel na pumasok ng 4 kasi maaga nagpapacheck si sir pollarco ng studies ng thursday. nung finally nafeel ko nang di ako papasok ng maaga, AYUN! tinamad ako. 6 na ko pumasok. pero gusto ko din yung thursday classes. masaya kasi panggabi.
ang ayoko lang sa saturday eh yung fact na hindi ako susunduin dahil 4 ang uwian.
gusto gusto ko ang classes till 9 kasi sinusundo ako.
grabe! ang tamad kong pumasok. (pero mackyboy, pumapasok ako promise! wag kang magalala) late ako lagi. pano kasi, unang una, hindi naman nagllate yung mga prof. kaya ang tapang ko. pangalawa, nakakatamad magising lalo na ngayon na hindi naman nagmamadali si tito onat. dati kasi lagi syang nagmamadali kasi madamig pinapagawa sakanya si papa. ngayon, inaantay talaga nya ko. pangatlo, ang sarap malate. buong buhay ko lagi akong maaga. simula pa nung bata ako. ako yung unang nasa room lagi at nagsusulat ako sa board ng mga kailangan for the day, prayer leader at board monitor.
ANG SARAP MALATE!
pero yun nga, papasok nanaman ako ng maaga starting tomorrow. 7 nasa school na ko. AMP! namimiss ko na yung pavs eh. dun kami kilala eh. papasok ako ng maaga. promise! (shet! wait.) TTRY KO TALAGA.