dramatic lang pag nakahiwalay yung sa realization.
eexplain ko ba kung baket ganun? ewan, basta nafeel ko sya kahapon.
ganun talaga yun noh. kahit pa ayawin mong maging attached sa isang tao o bagay, parang hindi mo talaga mapipigilan. may ganung factor talaga. parang kalaban sya na kailangan mong patayin. kailangan mong pigilan yung sarili mo kasi takot kang masaktan.
ayaw mo na kasing masaktan uli. parang tanga lang kasi kung mauulit at mauulit. lalo na kung paulit ulit lang din yung taong nananakit sayo.
"minsan akala mo ang dali lang nung sitwasyon. na, pinapadali mo nalang talaga. pero sa huli, pota! andun ka nanaman pala sa dating lugar. sa parehong kalye. sa parehong aspaltong tinapakan mo noon at sinumpang di na babalikan pa." -bob ong
HAHAHA!! joke lang. hindi si bob ong nagsabi nyan. ako talaga nagsabi nyan. baka murahin nya ko pagnabasa nya secret blog ko.
nangangarap ka ng paulit ulit na sana maging masaya ka. nakukuha mo naman pero minsan hindi maiiwasan na hindi malungkot. tapos parang akala mo may mali na talaga. pero wala naman talaga.
tapos matatakot ka na masaktan uli. gagawa ng mga paraan para maiwasang masaktan. sa kakaiwas, hindi mo alam yun pala yung magdadala sayo sa mga ayaw mo.
uyy grabe na sa drama! antok na me. :)) lumelevel yung thoughts ko for tonight.
ako kunwari si bob ong. :)