
oti

oti

supladong kuripot na ayaw manlibre!
*hahaha! ayoko ilagay yung pic nating dalawa kasi ang panget ko dun. UTANG NA LOOB!
dear pogz,
wala ka parin pinagbago. unang una, nagyoyosi ka parin. hahaha! naaalala ko nung minsan naglibrary tayo, imbis na hanapin mo yung mga librong kailangan hanapin, ayun, napadpad ka sa magazines section. umupo ka sa harap ko at pinakita ng "all smiles" ang "how to quit smoking" na article. tandang tanda ko pa ang picture ng itim na lungs na tingin mo eh tulad na ng sayo.
nica: ano na ba? kamusta ka na nga pala?
nica: may pinapaiyak ka nanaman bang babae?
paul: ok lng nmn. msaya nmn sa buhay.
paul: d ako nagpapaiyak ng babae
nica: ELEL!!
nica: hindi daw!!
nica: :))
nica: kala ko ba pogi ka?
nica: diba un ang role ng mga pogi
paul: bkit mabait na pogi ako noh!
paul: yoko nkakakita ng babae na umiiyaktae! nung una ayokong maniwala. pero talagang talaga! tandang tanda ko. ikaw lagi ang nagpapatawa sakin pagumiiyak ako sa school. bihira ako umiyak sa school noon. at lagi kang nasa paligid pagganun.
una nung umakyat ako ng stage para sa blue eagle award ko tapos pinagtripan ako ng class. grabe iyak ko nun. katabi namin table nyo nung lunch time tapos nakita mo ko. napatingin ka tapos napatingin ka uli. tinatanong mo kung baket ako umiiyak tas di kita pinansin. pagdating sa classroom, tinabihan mo ko buong time hanggang magdismissal (kahit bawal yun). pinakita mo yung baby pic mo na nakatawa ng sobra. tawang tawa naman ako. dont get me wrong ah, ang cute mo dun, seriously. nakakatawa lang kasi, yung cute na baby na yun, naging ikaw--autistic.
pangalawa nung 4th year, sa may labas ng room namin. umiiyak ako dahil sa walang kwentang bagay. tapos nasa labas ka, nakadungaw sa fence. basta kunwari fence tawag dun. tapos nakita mo nanaman ako. tapos sinabihan mo ko na wag na kong umiyak. alam ko natawa ako for a while. tas umalis ka na. gago ka talaga!
grabe! tawang tawa ako sa mga statements mo na ewan grabe! para kang tanga...tanga na may point. infairness, literal na tumatawa ako kanina sa kahit anong sabihin mo. punyemas! siguro namiss lang kita.
hahaha! aabangan ko nalang si destiny bago tayo magkita. YES! ILILIBRE MO KO! woohoo!
kahit ano pang tawag ko sayo. kahit pogz, paulo jose (paggalit ako sayo), pare, paulky or paul lang na walang arte, ikaw parin yan sa buhay ko. hindi na yun magbabago. kaya wag ka magbago kasi boring ka na pagganun. :)
i will hunt you!
totz