bago ang malupit na entry tungkol sa 2008, ikkwento ko muna sainyo ang mga naganap nung new years eve.
hindi kasi kami nakapagdisneyland gawa ng umuulan nga at tinatamad na yung mga bata. ako pa na matanda yung nagyayaya pumunta dahil nga balak ko sanang kunan ng malupit yung fireworks. eh so nagchange ang plans. sabi ni papa eh magpunta nalang kami sa harbour ng christmas eve para makakuha ako ng pictures. so after ng shopping nung hapon, bumalik muna kami sa hotel ng mga 7 na ata yun para magpahinga. so yun, sila natulog lahat at ako naman nagplanner. tinamad akong magwifi kahit na alam kong libre naman sa hotel. mabibitin lang kasi ako. tapos ayun, nagising sila ng 9. naglakad kami sa labas at naghanap ng makakainan. fully booked halos lahat. tapos ang daming tao sa kalye. as in pinasara nila yung main roads. ang cool uberness. madaming parties and concerts pero asa pang dun kami mapapadpad. may mga hare krishna din na may nagsasasayaw sa kalye. meron kasing mosque dun sa street na yun papuntang gateway (oo! gateway din yung mall nila dun).
nakarating na kami ng gateway. sobrang bukas na bukas pa lahat ng tindahan sa malls. nagend up kaming kumain sa ucc. di masarap yung pagkain. parang nagmamadali nang makauwi yung chef. so yun na yung medya noche namin. sosyalan pero di masarap.
after kumain eh palakad na kami sa harbour. sabay sabi nung intsik na guard eh. "sarado na dito, itry nyo sa ibang kalye." syempre in chinese. so naglakad pa kami kasama ng isang libong instik papunta sa kawalan. grabe! tapos nawala si mama. lahat na ng streets sinasara ng mga police. parang nagkakagulo na. tapos dun ko na naisip na para kaming nasa cloverfield. kung napanood nyo yung movie na yun habang nasa labas silang lahat sa kalye. ganun yung feeling. wala nga lang monster.
tapos napadpad uli kami sa nathan road. yun yung main road na malapit sa hotel na pinasara. grabe! andun lahat ng tao.

leche silang lahat. yung malaking babae sa harap ko eh lean ng lean samin akala nya siguro maliit sya. tapos yung mga tao daan pa ng daan. nabadtrip nalang ako eh. nagcountdown ng 10 seconds parang gago lang. tapos lumabas yung fireworks na ubod ng layo. ni di mo na maririnig yung pagputok.
bumalik nalang kami ng hotel 5 minutes after new year. parang tanga lang kasi. umiyak pa si anton kasi naiipit na sya dun. ang lamig pa sobra. si papa nilibre pa kami ng ben and jerrys. pero pinatulan na namin kasi new year at ben and jerrys yun. hahaha! kahit namatay na kami sa lamig.
naggame nalang kami nila ma, pa, nige, anton at aiken.
"buong taon tayo kakain ng ice cream."
"buong taon tayo galit sa intsik."
"buong taon tayong nasa kalye."
walang kwentang laro alam ko. pero nagenjoy kami. :))
merry new year sa inyong everyone. :)