malapit na magsummer. naalala ko two weeks ago, panay isip ko sa mga dapat tapusin within the week tapos napansin ko kanina, kahit na ba hindi pa talaga tapos ang taon, eto ako at ang gagawin na sa summer ang iniisip.
marami na akong gustong gawin. ewan ko ba? nakakatanga na din kasi. sa nahuling dalawang buwan ng pasukan, eh its either nasobrahan ako sa tulog o wala akong tulog. madalas ko na din uli naeexperience ang pagtulog sa mrt at ang biglang kaba sa paggising na akala eh nakalagpas nako ng ayala. okay lang naman makalagpas sa totoo lang, nakakatamad nga lang maglakad ng malayo papunta sa jeep.
madaming perang nagastos, mga oras na nasayang dahil inuna ang pagkain O adprac, marami din nakilala, madami ding mga come and go, madaming pinipilit pabalikin (hahaha! ayan nanaman ako, sinesegway ko na paunti unti yung emo shit ko.) pero infairness lang, nakakaraos din. dahil jan, kailangan ko ng prize.
hmm...ano ba yung gusto kong prize? hahaha! HEHEHE! (joke! tae ka louie. kinorrupt mo na utak ko.) (oo, khan! KINORRUPT)
ang sarap din ng buhay ko ngayon na ayokong sabihin kung anong klaseng buhay sya kasi badword yun para sakin. basta masaya lang.
pero yun nga, ilang araw nalang...wala nang adtu na mauuwian sa umaga. mamimiss ko kayo. ngayon palang miss ko na kayo pero nakakatamad talaga pumasok bukas. may thursday at saturday pa naman eh.
pero pagdating ng saturday, ewan ko nalang. sana lumabas tayo na tipong LAHAT tayo nandun. hindi yung puro kami kami nalang. BLOCK NGA EH! nakakastress.
kanina kasama ko sya. grabe yung ngiti ng puso ko amp!
infairness si PD box, 2hours working time lang. hahahaha! pwede na ko maging factory worker.
pero tangina lang talaga yung claymation ko. di na nga maupload dito, di pa tama yung gawa ko.