Babala: Dahan dahan basahin ang blog entry na ito Dahil punong puno ito ng kabuluhan.
Para sa atin na nakakakilala ng mabuti kay Bombee, alam kong sawang sawa na tayo sa mga posing nya na ganito sa mga photos. Hindi natin maintindihan kung baket ba lagi nalang nya ginawa yung posing na yan. Ano nga ba ang dahilan kung baket naeengganyo sya sa legs nya at arms na nasa ganyang posisyon.
Hindi na ata natin malalaman ang sagot. Dahil mukhang di din naman nya alam kung baket. Hindi ko na sya tatanungin. Nakakatamad!

Kaninang umaga/hapon nung paggising ko, pinuntahan ko yung plastic box ng mga picture frames namin dati sa sala na tinanggal na dahil nagrenovate ng bahay. Sabi kasi ni papa eh piliin ko daw yung mga pictures na pwedeng ilagay sa mga bagong bili nyang sosyalang picture frames. So ayun, nagscan ako sa mga nandun at biglang may nakita ako na sobrang hindi ko inaasahan.

Oo! Ako yan! Tangina tawang tawa ako nung nakita ko yan. Sobrang napaisip talaga ako,
TATAY KO BA TALAGA SI BOMBEE?