Instead of updating my
Flickr account, I've decided to update my
Deviantart account instead.
Buong break puro trabaho iniisip ko. Parang biglang naliwanagan utak ko na kailangan ko na magtino. Kung gusto kong yumaman kailangan kong magayos ng buhay. Ayoko na ng petiks. Ayoko ng "go with the flow" o "anything goes". Wala akong mapapala sa ganyan. Kung sa ibang tao umeepekto yun, sakin hindi.
Naisip ko kasi sa pinasok kong "Industry" meron yang screenings parang Artista. Pero dito, portfolios ang pinapakita mo parang sa mga models. Nung hiningan ako ni boss ng portfolio, wala akong mapakita. Nakakagago lang sobra! Sa dinami dami ng nagawa ko sa CFAD, ni isang "art" wala akong mapakita. Nakakahiya. Pero buti nalang onti onti akong may napakita sakanya. Pero yun nga lang, SABOG! Iba ibang mga web accounts ko yung pinaste ko sakanya. Narealize ko na dapat ayusin ko silang lahat.
Buti tinanggap parin ako nun. Thank you, Boss. Hahahaha! Yun lang ang boss na di nanlalait ng gawa ng emplyado niya eh. Tara na't uminom.
Pero infairness, kakaririn ko na to. Nageenjoy naman ako sa ginagawa ko eh. Eventually, lulupit pa ko tapos keri sa resume tapos hanggang sa magssolo na ko tapos yayaman. Or ewan, pinagiisipan ko din kung ako ang mamamahala sa Pylon pero wala naman akong alam sa business at mukang si Nige ang magbboss dun. Whatever! Nakakaexcite ang future kasi di mo alam ang susunod na mangyayari.
Masaya lang akong kumikita ako ngayon ng pera ko.
Magpapainom talaga ako kung nagkataon.
Deviantart mode. Teka, baka gumawa nalang ako ng bagong account. Labo!