The Bataan blog.
Sa totoo lang, preparing this was tiring and talagang sakit sa ulo. Mahirap maghanap ng transpo, mahirap magpaalam, mahirap maghanap ng pera etc. etc. Muntik na kong magcancel ng day before pero what the heck, kailangan tong matuloy no matter what. Kahit na ilan lang kami, kapusin sa pera at walang makain sa trip. Importante kasama ko tong mga taong to at magsasaya kami sa BEACH!
Kahit na ba 5:30AM ang call time, infairness maaga kaming lahat (except si Macci na ironic kasi ang lapit lang nya kila Jomp). Naggrocery muna kami bago dumating sa house. Ang dami naming binili. Ang fun! Tapos pagdating dun parang gusto ko nalang matulog. Pahinga na ito! Pero ayun nga, napaswimming agad kami. Dun nabuo ang larong "Catch the wave" ika nga ni Ji.
Nakakagulat pa kasi nakasama namin yung tita ni Louie sa trip, si Tita Julie. Hahahaha! Tangina! Kamuka nga ni Terens, Louie.

Madaming chorva ang nabuo sa sand pero ito ang pinaka classic sa lahat. Ang race car kong chorva. (Wala lang si Pabs dito kasi sya yung kumukuha. Sayang.)

Ang masaya pa eh hindi kami nagutom. Nagawan ng paraan ang mga bagay bagay. Adobo for lunch. Corned beef for dinner. At may isang box kami ng chichirya. Ang sarap din pala nung tulog ko nung hapon. As in! Kahit puro buhangin yung kama namin (baket kaya?) at kahit maingay yung boys dahil nagppoker sila.
Oo nga pala! Umitim daw si Durrrd pero ang masasabi ko lang eh, kasing kulay nga nya ang sand na basa. Diba? Napapansin nyo ba sya?

Medyo wala kami masyadong pics sa beach itself. Mahirap eh. Enjoy eh! Kahit na uber weird ng high tide-low tide moodswings. Kahit na nawala yung araw nung gusto namin magpatan.
Sayang lang sana complete kaming girls. Wala si Bex at BFF. :( Pero happy parin ako kasi kasama ko yung tatlong girlsies ko. Kahit na nagpapanggap kaming masasaya sa pic. Benta pa yung jump shot na mukhang nakatalikod si Luday pero hindi. Hahahaha! Fail talaga.


Nung gabi eh naginuman kami. Nagpaka happy ako thanks to Granma. "Squeeze! Squeeze mo pa!" Hahahahaha! Benta! Reminiscing "Phillip days" with the girls. Nasa may shore din kami nung after nung inuman. Kasama ko si Jomp nung first half nung stay tapos nagstay na with the others. Ang ganda nung sky nun as in. Tapos ang daming shooting stars. Sayang lang tinamad akong kunin yung camera nun. Nagattempt kaming i-wait yung sunrise nila Les, Macci and Jompy. Pero kami nalang ni Jomp nakakita nung "Sunrise".

Tawang tawa din ako sa shot na to. Naging two-face si Macci.

Nagswim parin kami the next morning. Hard level ng "Catch the wave." Promise ang lakas ng waves bigla nalang kaming nawawala. Pero thanks kay Kuya Dugo dahil naging safe kami. Hahahaha! 3 hours lang tulog ko pero kasarap ng tulog ko talaga. Ang ganda din ng gising ko because of some reasons.
- <3
- Paggising ko kiniss ako ni Tita Che ng goodmorning. :)
- And kasama ko tong mga maiitim na taong to na mahal na mahal ko.

Formal Class Pic. Na may kasamang Arki. Hahahaha!

Masasabi kong magaganda kaming lahat sa pic na to. Without biases.

Promise di yan sinadya. Hahaha! Badutchi!
First outing ever pala ni Bes to. Sana nagenjoy ka, Bes. :) Sana nagenjoy tayong lahat. Thank you Tita Che sa pagiging good example samin at sa pagiging mahigpit na guardian. (lmao) Thank you Tito Danny kahit na kung san san mo kami dinadaan na route. Thank you Ate Anabelle sa kama mong natulugan ko sa kubo. Thank you Kuya Dugo sa pagupo sa monoblock na chair habang nagsswim kami. At thank you loves dahil kasama ko kayo.

At dahil kasama ko tong "
Baby" Best ko. Wahahahahaha!
*Pabs! naiyak ako sa blog mo.
Meet my friends second family.

Lavet! <3 Survivor Bataan.