Narealize ko just now how cheesy I am. I mean, Alam ko na yun a long long time ago pero ibang lebel na talaga. Naniniwala parin ako na possible yung mga napapanood ko sa mga korean/taiwanese dramas. Na by accident eh bigla bigla nalang lumilitaw yung lalakeng gusto mo sa same place kung san ka nandun. Na pagnagaway kayo, gagawa sya ng something really really moving tulad ng kunwari pagnaglalakad ka lang sa streets ng gabi biglang bubukas yung mga ilaw na para bang nasa fairytale ka. Tapos andun lang sya sa harap mo nakangiti.
Na pagikikiss ka nya para bang nakaslow-mo lahat. Tapos may nagpplay na heart song mo sa background na parang first kiss parin all over again. Na magical lahat.
Minsan pagmagisa ako na naglalakad tapos maisipan ko na parang nasa korean drama ako, kung ano ano naiisip ko. Mga impossibleng bagay. Minsan ginugusto kong mangyari sakin yun kahit impossible. Unang una, nainlove ako sa isang anti-cheesy person. Pangalawa, nainlove ako sa anti-cheesy person. Hahahahaha!
Kanya kanyang magical moments lang talaga siguro yan. Kanya kanyang papakilig.
Kaya kailangan ko na sigurong magising na hindi mangyayari sakin yang mga kamunduhan na mga kilig moments na parang nasa movies. Hindi mangyayari yung mga exagge na yan sakin. Hanggang day dream na muna ako. Pero sana...sana lang talaga. :)
"Stand by me, even if I don't know what love is."
*Nica naaadik sa BBF*