Mi Starbucks planner is verr verr ugly. :( Napabayaan ko na sya ng todo. Mukha na syang planner ng boring working person. Boo! Kailangan maging pang fun working person sya. Pero di ko kaya. Wala lang talaga akong oras. Pakiramdam ko hinahabol ako ng oras.
Kanina pa kaya ko nahawakan uli yung planner ko kasi may tumawag sakin, si Ms. Clarisse Butalid. Tinatanong nya kung gusto kong magwork ng part time sa company nila kasi nirecommend ako ni Chi. Amp! So yun, parang gusto ko din kung kaya ko naman. Kaso yun nga kadami na ng gagawin ko. Ibang level.
Sabihin na nating kung nagkataon, 2 na yung part time jobs ko tapos si papa nakikiepal pa sa utos (pero may bayad na daw) tapos may thesis pa ko at photoshoots.
Para na din akong nagpakamatay diba? Sana kayanin ko. Para sa pera.
Ganun ata talaga, mas maswerte ako sa larangan ng pera kesa sa pagibig. Kaya bakit ko pa ipagsisiksikan ang pagibig sa buhay ko wala naman akong napapala. Sa pera naman, ako pa ang hinahabol habol.