Screening day kanina for thesis. Ang yabang ko pa. Sabi ko eh 6 palang eh nandun na ko. Ayun, tama nga hula ko, 6 ako magigising. Pagdating ko dun ang haba na ng pila sa labas ng Beato. Nagkita kita ulit kaming mga Adtu. Miss ko na sila pero di ko na sila makakasama.
Nung screening hindi naman ako kinakabahan kung papasa ba ko oh ano. Kasi parang wala naman silang binabagsak na portfolio eh. Pero dahil nga nahuli kami sa pila kanina. Nakakakaba na baka eh hindi ko na makuha yung slot kay Mam Nady. Nung medyo nasa gitna pa kami nung pila, sabi eh 1 pa lang yung nagssign up kay Mam Nady so parang ako, "Ah! Pwede pang umabot." Tapos nung pang second nalang ako na isscreen biglang sabi ni Mam Mort kay Mam Nady, "Pano ba yan Mam, full na list mo." Tapos nagreklamo ako sabi ko dagdagan pa nila. Hahahahaha! Tae! So yun sabi ni Mam Nady dadagdag pa sya ng 3 more. So diba ang saya ko naman.
Nung ako na yung isscreen, Si Mam Nady din yung tumingin ng portfolio ko. Tapos tinatanong nya nga kung anong topic kukunin ko. Sabi ko hindi ko pa talaga alam kasi mahirap naman talaga magisip. Tapos nabanggit ko pa na extreme sports gusto ko. Hahaha! Shinock ko pa sya. Eh ayaw nyang magextreme sports ako kasi magaling daw ako sa Portraiture, sa mga tao. Sabi ko naman eh kailangan ko din kasing maisip yung problem nung itthesis ko. Tapos kung ano anong ideas binibigay ni Mam sakin like kids daw ishoot ko or magfashion nalang daw ako kasi yung mga shots ko sa portfolio pwede na daw pang Ads. Pinagfashion pa ko eh kitang photo yung portfolio ko. Hahahaha! Tapos grabe sobrang pinuri talaga ni Mam Nady at Sir Son yung gawa ko. Nakikitingin kasi si Sir Son kahit book illus talaga sya eh. Tapos kinikilig ako sa harap nila. Tapos sabi pa ni Mam Nady, "Hindi ko sasabihing maganda yung mga gawa mo kung hindi yun totoo." Tapos nagagree si Sir Son. Tapos kinilig ako uli.
Okay na sakin na pumasa eh. Pero yung magustuhan nila yung gawa ko. Sobra sobra na yun. Kahit pa siguro laitin gawa ko hindi na ko maffeel bad kasi tatlong profs na yung pumuri sakin. WAHAHAHA! Si Mam Mort din yung isa nung baby thesis. Ang saya ko lang. Topic nalang kulang ko. Nakuha ko yung gusto kong adviser at photo thesis ko. Topic nalang talaga.
I'm so happy. :)
Sorry kailangan kong ipagyabang! I'm so proud of myself. :) Mahal na mahal ko portfolio ko.