Naisip ko lang. May mga tao na pinipilit nating isiksik sa mga buhay natin kahit na paulit ulit ka namang pinapaalis. May mga taong di na natin napapansin kasi nga mas busy tayo sa mga taong ayaw naman tayo sa buhay nila.
Sa pagtagal, magsasawa ka din kakahabol sa mga taong ayaw sayo. Makakalimutan ka na din nung mga inichapwera mo. Wala nang natira sayo.
Pero in time, bigla ka nalang kakausapin uli ng isang taong hindi mo pinahalagahan as much as dun sa hinabol habol mo. Marerealize mo kung gano sya kaimportante sa buhay mo. Na kung titimbangain ngayon eh mas importante na sya sa taong hinabol habol mo. At na ganun ka parin sa paningin nya. Kung gaano ka nya pinahalagahan noon, ganung ganun parin ngayon.
Para to sa mga taong mahal ko na hindi ko siguro napaparamdam sakanila kung gaano ko sila kamahal. Na aantayin ko pang matauhan ako bago ko maisip o mapakitang mahal ko sila. Para to sa mga taong, minahal ako hindi dahil gusto nilang mahalik ko rin sila pero dahil mahal lang talaga nila ako.
Salamat! :)
Kung may mahal ka mapakaibigan, kapamilya or kaIBIGan, sabihin mo at ipakita mo as often as you can. Masarap yung feeling promise. :)
*Narealize ko lahat to dahil sayo, Popoylabs. Namiss kita sobra! Salamat! :)