3 years palang tayo magkakakilala pero yung pagmamahal ko sainyo higit pa sa kaya kong ibigay. Natutuwa ako kasi nagtatampo tayo sa simplest things. Ang babaw natin sobra. Hindi din natin sinasabi agad agad yung problema sa isa't isa. Tapos bigla nalang may hihila para sa isang H2H. Magsisigawan, magpapatawa tapos magiiyakan. Hindi nawawala yung group hug sa huli. Lagi nalang tayong ganito, may alak man o wala sa tabi ang dadrama natin. Mahal na mahal natin yung isa't isa. Ang sasarap nyo rin batukan pagnakakainis kayo or pag ako yung nakakainis. Hahahaha! Pero mahal na mahal ko kayo, good times man or bad.
Basta, gusto ko lang itatak nyo sa utak nyo na mahal na mahal ko kayong anim (Miss ko na si Geno). Kayong lahat yung bestfriends ko, k? Iba iba lang yung mga tawag ko kaya wag kayong epal. Patampo tampo galore pa kayo.
Pasensya na din kung di ko kayo nakakasama as much as possible kasi may boyfriend ako. Patawad. (Sisihin nyo si Jomp kasi di nya kayang mahiwalay sakin. HAHAHAHAHA! Joke lang. Sana di nya mabasa.)

We're no cheerleader effect. Talagang magaganda lang. BWAHAHAHA!
(Watch How I Met Your Mother Season 4 episode 7 to find out what it is.)